Gate of Jerusalem
Ang unang-una naming napuntahan kung saan ang aming gabay
sa paglalakbay ay nagtalakay ukol sa aming mga pupuntahan. Ang gate na ito ay
tinatawag na Ciudad Mistica De Dios. Pinaniniwalaan na ito ay ang lagusan
patungong langit at ang gate na ito ay may mga bandila ng iba’t ibang bansa na
nangangahulugang lahat ay maluwag na tinatanggap sa gate na ito.
Husgado
Ito ay isang maliit na kweba na pinaniniwalaang siyang
maghuhusga kung ikaw ay makasalanan o hindi. Ang kwebang ito ay lumiliit o
lumaluwag depende sa kasalanang iyong nagawa. Kapag ikaw ay tumahak na sa
kweba, hindi ka na maaring bumalik pa dahil kailangang tapusin ang iyong
sinimulan. Kapag ikaw ay nakalabas ng maayos at walang galos sa kweba ay ang
ibig sabihin ay hindi ka makasalanan, samantalang makasalanan ka naman kung
ikaw ay mayroong galos o sugat sa katawan sa paglabas mo ng kweba ng husgado.
Kalbaryo
Kami ay umakyat ng kalbaryo matapos kaming makatawid sa kweba
ng husgado. Napakataas ng kalbaryo kaya matagal bago kami ay makaakyat sa
tuk-tok. Maituturing nga itong kalbaryo dahil ito ay matarik at matayog na
burol. Ang kalbaryong ito ay sumisimbolo sa sakripisyong ginawa sa atin ng
diyos. Ang tatlong krus sa tuktok nito ay kagaya ng mga krus sa bibliya. Ang
paghihirap ng diyos ay hindi matutumbasan ng kahit sinuman.
Hindi man kami nakapagtirik ng kandila sa Book of Life
na ito. Naikwento pa rin sa amin ang tungkol dito. Pinaniniwalaan ng mga tao
roon ay kapg ikaw daw ay nagtirik ng kandila at humiling habang sinusulat mo
ang pangalan ng tao na iyong ipinagdarasal, matutupad daw ang mga hiling mo sa
diyos at pagpapalain ka.
River
Papuntang ilog ay napakalayo rin ang lalakbayin at sa
pagdating ng hagdanan na mayroong 280 mahigit na hagdan sinabi sa amin ng gabay
na pinaniniwalaan dawn a kapag nabilang mo ang tamang numero ng mga hakbang na gagawin
mo pababa sa matarik na hagdanan papuntang ilog ikaw raw ay humiling sa diyos
at matutupad daw ito. Ang tubig ng ilog ay sinasabing nakapagpapagaling ng
sakit kaya tiniis namin ang sobrang lamig na tubig ng ilog.
Reflection
Natuto kaming rumespeto sa mga iba’t ibang paniniwala ng
mga tao roon at marami pa kaming natutunan sa araw na iyon. Kahit iba’t iba ang
mga paniniwala ng mga tao dapat nagtutulungan pa rin ang mga ito at nagkakaisa.
Isa itong matagumpay na paglalakbay dahil kami ay mas naging mabuting tao sa
mga nalaman namin sa pagpunta roon.
.jpg)

.png)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento