Bagong Jerusalem
Ang Mt. Banahaw ay tinuturing na sagradong lugar at tinatawag itong "Bagong Jerusalem". Ito ay sa paniniwala nilang ang Diyos ay nanirahan daw sa lugar na ito nang nagkaroon ng gulo sa Israel. Sinasabing si Agripino Lontok raw ang sinabihan ng Diyos na gawing sagrado ang lugar na ito.
Pamumuwesto
Ang mga tao roon ay naniniwala sa pamumuwesto. Ang ibig sabihin nito ay ang pagkakapwesto ng mga importanteng lugar sa Israel na inilipat daw sa Mt. Banahaw. Sinasabing ang mga anghel daw ang nagbuhat ng Jeruslem sa Mt. Banahaw kaya raw parehong pareho ang mga lugar nito sa Israel. Iba't ibang pwesto ang makikita rito, Ito ay ang Ciudad mistica de dios kung saan tinuturing na lagusan patungong langit daw ito. Ang susunod ay ang Husgado Cave na pinaniniwalaang ito ay ang maghuhusga kung ikaw ay makasalanan o hindi. Ang isa ay Kalbaryo, isang matarik na burol na pinaniniwalaang burol kung saan isinkaripisiyo ng Diyos ang kanyang buhay upang tayo ay maligtas. Ang huli ay ang ilog na tinuturing na katumbas ng "Jordan River".
May mga kilalang tao na naikwento sa amin ang guro ng Lakbay kalikasan. Ito ay sina Agripino Lontok, Maria Bernarda Balitaan at Macario Sakay.
Agripino Lontok
Si Agripino Lontok ay isang rebelyong mistiko na pumunta ng Mt. Banahaw upang tumakas. Sinasabi na bawat pagkakataon na siya ay umalis ng bundok ay nabubulag raw siya. Kaya hindi na siya umalis ng bundok na iyon. Nakakarinig daw siya ng isang boses na nagsabi sa kanya na gawing banal ang lugar na iyon. At iyon ang simula ng pagiging sagrado ng bundok banahaw.
Maria Bernarda Balitaan
Si MBB raw ay tinuturing na sugo na magpapatuloy sa misyon ni Hesus. Siya ay ipinanganak na galing sa isang bolang lamad at idinala sa banal na bundok. Siya ay pinananiwalaang pinadala ng diyos upang ihanda ang mga tao sa pangalawang pagdating ni Hesukristo.
Macario Sakay
Isang katipunero na nagtago sa isang bundok na tinatawag na "Devil's Mountain". An kwento raw ay sa bundok daw nagtatago si Macario Sakay nang ipinaghahanap siya ng mga Amerikano upang paslangin. Ngunit kapag sinusundan ng mga Amerikano si Macario sa bundok may mahiwaga raw nangyayari sa bundok na iyon dahil marami silang nakikitang macario Sakay sa lugar na iyon. Sinabi ng mga Amerikano na may sa demonyo raw si Macario kaya tinawag na "Devil's Mountain" ang bundok na iyon.
Kami ay masaya dahil nakauwi kami ng ligtas kahit pagod kaming lahat. Marami pa kaming binaon na kaalaman mula sa aming paglalakbay at higit sa lahat mas lalong tumibay ang pagsasamahan naming magkakaklase.
.jpg)
.jpg)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento